精神保健面接質問表(タガログ語)

在日外国人サービスに戻る

青字がタガログ語です Tagalog questions are in blue.

精神保健面接質問表の使い方

  1. この質問表は通訳を介して使用してください。この質問表の目的は、特別な表現の翻訳を助けて、困っている人と医療従事者の間の最小限のコミュニケーションを確保することです。
    Itong mga sangkap ng panunulat ay gagamitin kung may kasamang manunulat/ o tagapagsalita na maaring magsalin nito sa ibang wika upang maisalin ang mga tamang pangkahulugan at matiyak na maayos ang pakikipagusap ng tao at ang professional sa lusug isip.
  2. まず、困っている人と医療従事者が理解できる言語の質問紙を選んでください。
    Pangunahing palatandaan: piliin ang wika na madaling maintindihan ng tao at ang professional sa lusug isip.
  3. 医療従事者、質問したいという思う項目を選び、通訳に対応する項目の質問を、困っている人に説明してくれるように通訳に依頼してください。
    Ang professional sa lusug isip ay maaring mamili ng mga katanungan upang ang tagapagsalin ng wika ay maaring magsalin ng mga katanungan sa taong kinakausap.
  4. 困っている人の回答は、通訳が翻訳して伝えてください。
    Ang kasagutan ng tao ay maaring isasalin ng tagapagsalin ng wika

A.患者に関する情報 Identifying Information

  1. お年はいくつですか?
    Ilang taon ka na?
  2. どこの国の出身ですか?
    Anong bansa ang pinanggalingan mo?
  3. 職業は何ですか?
    Ano ang iyong hanapbuhay/trabaho?
  4. 結婚していますか?
    May asawa ka na ba?
  5. 子供がいますか? 何人ですか?
    May mga anak ka na ba?

B. 主訴 Chief Complaint

  1. 今日はどんな問題で来ましたか?
    Anong dahilan at naparito ka ngayon dito?
  2. どんなことで困っていますか?
    Ano ang maitutulong namin sa iyo?
  3. どんな状態か少し話してくれませんか?
    Maaari bang sabihin mo sa amin ng bahagya ang mga nangyayari sa iyo ngayon?

C. 現病歴 History of Present Illness

  1. いつ、そのような問題が始まりましたか?
    Kailan nagsimula ang problema mo?
  2. 今日、病院に来たきっかけは何ですか?
    Bakit ka nagpunta ngayon sa ospital?
  3. 以前にも同じような問題がありましたか?それはいつでしたか?
    Naging problema mo na ba ito noon? Kailan?
  4. 薬は何か使用していますか?何ですか?
    May iniinom ka bang mga gamot?
  5. 飲酒の量はどの位ですか?一日に何杯くらいですか?
    Gaano karami ka uminom ng alak?
  6. 麻薬を使っていますか?何ですか?
    Gumagamit ka ba ng mga bawal na gamot?
  7. そのような問題が始まったきっかけは何だと思いますか? 今回や以前に、きっかけがありましたか?
    Anong mga bagay o dahilan ang parang nagiging sanhi ng mga problema mo? Ngayon at noon?
  8. そのような問題が始まる前はどんな状態でしたか?
    Ano ikaw noon bago nagsimula ang mga problema mo?
  9. その症状のせいで、仕事や家庭がどのように影響されましたか?
    Paano naapektuhan ng mga sintomas ng problema ang iyong pagkilos at paggawa sa trabaho at sa iyong pamilya?
  10. 気持ちの問題に伴った身体の症状はありますか?
    Ang iyong problemang emosyonal ba ay may kasamang problemang pisikal?

D. 睡眠 Sleep

  1. 睡眠はどうですか?
    Kumusta ang iyong pagtulog?
  2. なかなか寝つけないことがありますか?
    May pagkakataon ba na hindi ka makatulog?
  3. 夜中に目を覚ますことがありますか?
    Nagigising ka ba sa hatinggabi?
  4. 朝早く目を覚ますことがありますか?
    Madaling-araw ka ba kung magising?
  5. 普段は何時間位寝ていますか?
    Ilang oras ang kadalasan tulog mo?
  6. 普通以上に寝てしまうことがありますか?
    Nakakatulog ka ba ng mas mahabang oras o higit pa sa kadalasan pagtulog mo?
  7. 朝起きた時、よく休めた感じはありますか?
    Magaan ba ang pakiramdam mo paggising sa umaga?

E. 食事 Eating

  1. 食欲はどうですか?
    Kumusta ang iyong gana sa pagkain?
  2. 最近体重が増えたり減ったりしましたか?
    Nadagdagan o nabawasan ba ang timbang mo?
  3. どの位体重が増えたり減ったりしましたか?
    Ilan ang nadagdag/ nabawas sa timbang mo?
  4. むちゃ食いをすることがありますか?
    Kumakain ka ba ng labis o sobra?
  5. 自分の意思で嘔吐したことがありますか?
    May pagkakataon ba na sinadya o pinilit mo na ilabas ang mga kinain mo?
  6. 体重を減らすために食事を制限して、極端に痩せたことがありますか?
    Nagawa mo bang hindi kumain para magbawas ng timbang at mamayat nang husto?

F. うつ状態 Depressed Mood

  1. 落ち込んだ気分になったりしますか?
    Malungkot ka ba at walang sigla?
  2. 普段の物事を楽しむことができますか?
    Masaya ka ba sa mga bagay na ginagawa mo lagi?
  3. よく泣いたりしますか?
    Umiiyak ka ba lagi?
  4. 罪悪感を感じますか?
    Nakakaramdam ka ba na may-kasalanan ka at nakukonsensya?
  5. 自分は価値のない人間だと思うことがありますか?
    Pakiramdam mo ba ikaw ay walang-halaga?
  6. 周りの人達から引きこもっていますか?
    Lumalayo at umiiwas ka ba sa pakikisalamuha sa mga ibang tao?

G. 自殺傾向 Suicidality

  1. 自殺をしたくなったりしますか?
    Nararamdaman mo bang gusto mong magpakamatay?
  2. 死んだ方が良いと思ったりしますか?
    Ninais at isinaloob mo ba na sana ay patay ka na?
  3. 具体的な自殺の方法を考えますか?
    May balak o plano ka bang magpakamatay?
  4. その方法とは何ですか?
    Ano ang balak o plano mo?
  5. その計画を実行するつもりがありますか?
    Binabalak mo bang gawin ang plano mong magpakamatay?
  6. 自殺を思いとどまらせているものはありますか?(例えば子供、宗教など)
    May dahilan at bagay ba na pumipigil sa iyo sa pagkitil ng buhay mo? (halimbawa, mga anak, relihiyon)

H. 躁状態 Mood

  1. 自分の考えにせき立てられているように感じたり、気分が高揚したり、エネルギーで一杯になったり、眠らなくてもよくなったり、とても創作的になったり、怒りっぽくなったりしたことが今までにありますか?
    Naramdaman mo na ba ang sobrang sigla at galak, sobrang bilis at pagmamadali, na kahit wala kang tulog, maraming ideya at ginawa, pero bugnutin at magagalitin ka?
  2. 自分の考えにせき立てられているように感じた時に、お金をたくさん使ったり、あとで後悔するような人と性的関係を持ったり、夜遅く人に電話したりしたことがありますか?
    Kapag sobra ang sigla mo, masyado ka bang magastos, malaking pera ang nauubos mo, nakikipagtalik sa taong hindi nararapat at pagsisisihan mo, o tumatawag para lang may makausap kahit gabing-gabi na?
  3. 自分の考えにせき立てられているように感じた時に、逮捕されたり、今考えると困惑するようなことをしたりしましたか?
    Nuong sobra ang sigla mo at walang kontrol sa sarili, naaresto ka na ba ng mga batas o may mga bagay na ginawa mo na ikinahihiya mo ngayon?
  4. 自分の考えにせき立てられているように感じた時に、奇妙なことを考えたり、見たり、聴いたりしましたか?
    Nuong sobra ang sigla mo at walang kontrol sa sarili, mayroon ka bang mga inisip, o kaya nakita at narinig ng mga bagay na kakaiba, kataka-taka, mahiwaga, hindi maipaliwanag?
  5. 頭の中で考えが走っているように感じたり、物事に集中しにくくなったことがありますか?
    Mayroon ka bang magulo at ligalig na pag-iisip at problema sa pag-pokus sa mga bagay at gusto mong mangyari?

I. 不安 Anxiety

  1. 不安を感じますか?
    Nababalisa ka ba?
  2. 心臓の鼓動が早くなったり、息苦しくなったり、死んでしまうのではないかと感じるような不安発作 が今までに起きたことがありますか?
    Sa sobrang balisa, bumilis ba ang tibok ng puso mo o nagsikip ba ang dibdib mo o naramdaman mo bang parang mamamatay ka na?
  3. 不安発作の時に、非現実感や、自分から分離しているような感じを持ったことはありますか?
    Kapag inatake ka ng sobrang balisa, nararamdaman mo bang nawawala ka sa sarili mo?

J. 強迫観念/強迫行為 Obsessions/Compulsions

  1. ある考えが、繰り返し何度も頭に浮んで邪魔になり、困ることがありますか?
    May mga paulit-ulit, patuloy at gumigiit na mga isip at ideya ba na ikinababalisa at ikinatatakot mo?
  2. その考えを取り除くために、頭の中で祈ったり、数を数えたり、言葉を繰り返すことがありますか?
    Upang maalis ang mga ganitong isipin, ikaw ba ay nagdadasal, nagbibilang, o may inuulit-ulit na mga salita sa iyong isipan?
  3. その考えを取り除くために、繰り返し手を洗ったり、物事を点検することはありますか?
    Upang maalis ang mga ganitong isipin, madalas ka ba naghuhugas ng kamay o kaya ay paulit-ulit ang pag-siyasat mo ng mga bagay?

K. 妄想 Delusions

  1. 他人に奇妙に思われるような考えを持ったことがありますか?
    Naiisip mo ba na hindi normal ang tingin sa iyo ng ibang tao?
  2. 誰かに追いかけられたり、誰かが自分に陰謀を企んでいると感じたことはありますか?
    Nararamdaman mo bang may mga taong humahabol sa iyo o may mga nagsasabwatan laban sa iyo?
  3. 自分が非常に特別な人間だと感じたことがありますか?
    Nararamdaman mo bang kakaiba ka at espesyal na tao kumpara sa iba?

L. 幻覚 Hallucinations

  1. 他の人には見えない、または聴こえないものを見たり聴いたりすることがありますか?
    Nakakakita, nakakarinig o nakakaramdam ka ba ng mga bagay na hindi nakikita, naririnig, o nararamdaman ng ibang tao?
  2. その場合)何を見ますか? 何が聴こえますか?
    Kung mayroon, ano ang nakikita mo? Ano ang naririnig mo?

M. 生活史 Personal History

  1. 家族との暮らしはどんな感じでしたか?
    Kumusta ang pagpapalaki sa iyo ng pamilya mo?
  2. 学校で問題はありましたか?
    Nagkaroon ka ba ng mga problema sa eskuwelahan noon?
  3. 他の子供と一緒にいるのは好きでしたか?
    Naging masaya ka ba sa pakikipaglaro sa ibang mga bata?
  4. 身体的虐待もしくは性的虐待を受けたことがありますか?
    Naabuso ka ba ng pisikal o sekswal?
  5. 両親のどちらかが過度に飲酒することがありましたか?
    Ang isa ba sa magulang mo ay sobrang uminom ng alak?
  6. 刑務所に行ったり重い犯罪の犠牲者になったり等、深刻な法律上の問題を抱えたことがありますか?
    Nagkaroon ka ba ng problema sa batas, na nakulong ka o naging biktima ng isang malubha at mabigat na krimen?
  7. 何の罪で刑務所にいましたか?
    Bakit ka nakulong?
  8. どんな犯罪の犠牲者になりましたか?
    Naging biktima ka ng anong krimen?
  9. 結婚生活はどうですか?
    Kumusta ang iyong buhay may-asawa?
  10. 子供との関係はどうですか?
    Kumusta naman ang relasyon ninyong mag-aama/iina?
  11. 恋人はいますか?
    Mayroon ka bang nobyo o nobya?
  12. 性的関係はどうですか?
    Kumusta ang buhay-sekswalidad mo?
  13. 性の問題で困っていることがありますか?
    May bumabagabag ba sa iyo tungkol sa sekswalidad?
  14. この国にはどの位長く住んでいますか?
    Gaano ka na katagal na naninirahan sa bayan na ito?
  15. この国に来たきっかけは何ですか?
    Ano and dahilan na nagpunta ka dito sa bayan na ito. Bakit na punta ka rito sa bayan na ito?
  16. こちらに来てからの暮らしはどうですか?
    Kamusta na man ikaw dito?..... kamusta naman and buhay mo dito?
  17. こちらでの暮らしに問題を抱えていますか?
    May mga problema ba naman ang pagtira mo dito..... may problema ba ang buhay mo dito?

N. 精神科既往歴 Past Psychiatric History

  1. 今まで精神科医や心理士を受診したことはありますか? それは何のためでしたか?
    Nakaranas ka bang kumunsulta sa psychiatrist o psychologist? Anong dahilan o anong nangyayari noon?
  2. 精神科の薬を使用したことがありますか? 何のために使用しましたか?
    Noon ba ay binigyan o uminom ka ng gamot para sa sakit sa isip? Anong dahilan o anong uri ng sakit sa isip?
  3. 精神病院に入院したことがありますか? それはどんな状況でしたか?
    Nagtigil ka na ba sa isang ospital para sa mga may sakit sa utak? Pakilahad ang pangyayari?
  4. 死にたくなったり、自殺を試みたりしたことがありますか?
    Naisip o tinangka mo na bang magpakamatay?
  5. 過度に飲酒をしたり、麻薬を使ったりしたことがありますか? それはいつでしたか?
    Nakagamit ka na ba ng bawal na gamot o sobrang uminom ng alak? Kailan?
  6. あなたの家族で、精神科を受診したり精神科の薬を服用したことがある人はいますか? それはどのような状況でしたか?
    May miyembro ba ng iyong pamilya o kamag-anak na kumunsulta sa psychiatrist o binigyan/uminom ng gamot para sa sakit sa isip? Anong dahilan o nangyari noon?
  7. あなたの家族で、自殺未遂をしたり、精神病院に入院したことがある人はいますか? それはどのような状況でしたか?
    May miyembro ba ng iyong pamilya o kamag-anak na nagtangkang magpakamatay o napasok sa mental hospital? Anong dahilan o nangyari noon?

O. 身体疾患既往歴 Past Medical History

  1. 今現在、薬を服用していますか?これまでに、薬を服用したことはありますか?
    May iniiom ka bang gamut sa ngayon?
  2. 薬や食べ物にアレルギーがありますか? その他のアレルギーがありますか?
    May allergy ka ba sa anumang gamot o pagkain? May mga bagay na hindi mo kahiyang?
  3. 過去に手術を受けたことがありますか?
    Na-operahan ka na ba?
  4. 身体の病気や怪我で入院したことがありますか?
    Na-ospital ka na ba dahil sa pagkakasakit o problemang medikal?
  5. 過去に重い病気や怪我をしたことがありますか?
    Nagkaroon ka na ba ng mabigat at malubhang sakit?

P. 他の質問 Other questions:

  1. 不安を感じますか?
    Nababahala o nababalisa ka ba?
  2. 誰かに危害を与えたくなったりしますか?
    Pakiramdam mo ba gusto mong manakit ng ibang tao?
  3. 誰に危害を与えたいですか?
    Sino ang mga taong gusto mong saktan?
  4. 具体的な計画がありますか?
    Mayroon ka bang plano?
  5. その計画を実行するつもりがありますか?
    Isasagawa mo ba ang iyong plano?

Q. 患者に共感を伝える為の表現 Responses to Communicate Empathy

  1. とても大変そうですね。
    Parang napakahirap ng sitwasyon mo.
  2. とてもつらそうですね。
    Parang napakasakit ng sitwasyon mo.
  3. あなたは出来るだけのことをしたようですね。
    Mukhang ginawa mo naming ang lahat upang makaya mo ang sitwasyon.
  4. 長い間、そういう問題で苦労してきたようですね。
    Pinaglabanan mo ng mahabang panahon ang iyong mga problema.
  5. わたし(達)はあなたを助けるためにできるだけのことをします。
    Sa abot ng aming makakaya, tutulungan ka namin. (or vise versa) Tutulungan ka naming, sa abot ng aming makakaya.
  6. その質問のせいで気持ちが乱れましたか?
    Nabalisa ka ba sa mga tanong ko sa iyo?
  7. そのようなプライベートなことを他人に話すのは難しい時がありますよね。
    Kung minsan ay napakahirap sabihin sa ibang tao ang mga bagay na personal.
  8. …について話してもかまいませんか?
    Puwede ba natin pag-usapan ang bagay na ito?
  9. 今からあなたにとって不愉快かもしれない質問をします。心の準備をしておいて下さい。
    Magtatanong ako sa iyo ng mga bagay na maaaring ikabalisa o ikainis mo. Sana ay maging handa ka.
  10. 今からあなたにとって不愉快かもしれないことを言います。心の準備をしておいて下さい。
    May mga sasabihin ako sa iyo na maaaring ikabalisa o ikainis mo. Sana ay maging handa ka.
  11. その気持ちには共感が持てます。しかし、…
    Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, kaya lang…
  12. その頼みには共感が持てます。しかし、…
    Naiintindihan ko ang hinihiling mo, kaya lang…
  13. その願いには共感が持てます。しかし、…
    Naiintindihan ko ang gusto mong mangyari, kaya lang…
  14. あなたを怒らせてすみません。
    Ipagpaumanhin mo kung nasaktan kita.
  15. あなたのことを理解できなくてすみません。
    Ipagpaumanhin mo kung hindi kita naintindihan.
  16. うつ病のための、とても良い治療法があります。ですから希望を持っていいですよ。
    Maraming mabisang paraan para magamot ang depression o sobrang kalungkutan, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.
  17. 自殺があなたの問題にとって良い解決策だとは思いません。あなたが自分のために、より良い人生を築くことは可能だと思います。それをわかって欲しいのです。
    Sa palagay ko ay hindi solusyon sa problema mo ang pagpapakamatay. Naniniwala ako na magagawa mong mapabuti ang iyong buhay. Magtulungan tayo.

「Page Top]